Asignaturang Filipino

Asignaturang filipino sa kolehiyo

Tinutulan ng ilang guro ang desisyon ng Commission on Education (CHED) na alisin na ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Binuo nitong Sabado ang 'Tanggol Wika,' isang alyansang binubuo ng mga guro at indibidwal na umaalma sa pag-aalis ng asignaturang Filipino.

FilipinoKorean

Asignaturang Filipino Papalitan Ng Korean

September 22, 2015 12:42 AM Ni Gng. Menor, T –I Mandurriao National High School PAGSULONG pag-unlad tagumpay tatlong salitang mailalarawan sa kasalukuyang estado sa pagpapatupad ng K -12 Curriculum para sa unang apat na taon sa hayskul – ang Junior High. Sa pag-aaral ng asignaturang Filipino, lalo na sa dalawang huling baitang, ang Grade 9 at Grade 10 maliwanag na masasalamin sa mga akdang pampanitikan ang mga kultura mula sa mga bansa sa Asya at ilan pang bansa sa Kanluran. Ang kultura ay paraan ng buhay kung saan natututo, ibinabahagi at ipinapasa sa susunod na salinlahi sa pamamagitan ng wika o simbolo. Kung gayon, ano ang kaugnayan ng kultura para sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan mula sa ibang bansa sa ating mga Pilipinong mag-aaral?

Asignaturang Filipino Sa K-12

Ayon sa talumpati ni Timoteo (2009), “nang dahil sa modernisasyon marami ang nagbago hindi lamang sa damit, ugali, pamumuhay, marami pa at halos lahat ay naaapektuhan. Ngayon nga paunti na nang paunti ang trabahong maaaring pasukan kaya karamihan ay nangingibang bansa at pumapasok bilang Overseas Filipino Worker (OFW) para lamang makatulong sa pamilya at tinitiis lahat para lamang kumita ng pera.” Dahil dito, ayon kay Burce (2013), sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino III ay binago niya ang kurikulum ng ating bansa. Ang kurikulum na ito ay ipinatupad dahil sa pangunahing layunin, ang pagiging “Globalisado” ng buong kapuluan. Sa tulong ng Gabay ng mga Mag-aaral sa Filipino,(Isang Modyul na ginagamit bilang batayang aklat sa asignaturang Filipino) mahalagang matiyak ang kulturang masasalamin sa bawat akdang pampanitikan sa mga bansang sakop ng Asya at mga bansa sa Kanluran nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Ang panitikan ay ginamit bilang lunsaran sa pag-unawa ng kultura, magkakapareho man o magkakaiba sa bawat lipunan. Dahil sa ang panitikan ay nagsasaalang-alang sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pang-araw-araw, hindi ito maaaring mailalayo sa kung paano nila ipinakikita ang pamamaraang ito.